Install this theme
Minsan Pa?

(Ito ay opinyon lamang ng isang tao at hindi sumasalamin sa opinyon ng isang grupo o organisasyon)

Hindi ito yung unang beses na nangyari ito. Sa katunayan, sa daming beses na naulit ay nasanay na kami at natuto na lang na mag-adjust. Wala na nga lang sa amin yung isyu eh, natanggap na namin sa mga sarili namin na mangyayari at mangyayari pa din ang ayaw naming mangyari. Kaso bakit ganun? Bakit bumalik lahat ng inis? Lahat ng frustration, at patawarin nyo ako, lahat ng galit.

Kanina, sa Sound Production class, sobrang excited na kami mag-hands on lecture sa Adobe SoundBooth. Sa wakas, after ng ilang semester na na-deprive kami sa mga “fundamentals” ng mga subjects namin, eto na, eto na talaga yun. Yung feeling na nasabi namin sa mga sarili namin, “finally, we got what we are paying for!” Sounds pathetic, I know, pero ibang istorya na kung bakit ganoon na lang kami ka-excited matuto. Basta yun, uhaw lang kami sa insights ng mga bagong guro. Spark of hope ika nga nila.

Maganda na eh, sobrang maayos na, hindi ko lang maintindihan kung bakit ganun. Tinuturo ng professor namin yung bagong Adobe SoundBooth na CS5 since ito yung latest version. Syempre, edge na sana, kaso nawala pa. Hindi updated yung Adobe Softwares sa Mac Lab :( Malungkot ng konti, dahil sayang yung opportunity na yun. Yung pagkakataon na kahit man lang sa ganitong paraan, may technical “edge” na kami pagkatapos namin sa course na ito dahil tinuruan kami ng latest version. Pero naipaliwanag naman ng maayos yung tungkol sa “acquisition” na medyo matagal nga at sinabi naman sa amin na by next school year, CS5 na ang lahat ng Adobe applications. Tiyaga muna on our own part. Dun muna sa kung ano ang meron. Naintindihan ko naman yung parteng yun.

Kaso, eto yung mas malala. Medyo maraming nainis sa parteng ‘to, kabilang na ako. Nakakatawag pansin naman talaga. Nakakaalarma. Nung sumunod na class, Audio Visual Production, under the same prof, we encountered the same problem. May activity kasi kami nun, na gagawa ng trailer, pinagdala kami ng mga soft copy ng movies. Nung gagawin na namin yung activity, iisa ang problema ng lahat, hindi ma-read yung mga files namin dahil kailangan i-upgrade/update yung codec ng mga units. Ang ending, hindi namin nagawa yung hands-on activity sana. 

Masakit, lalo na dun sa parteng, update ng codec lang pala ang kailangan. Hindi naman yung buong application yung papalitan, kaya hindi naman gagastos ng malaki, pero bakit yun lang, naipagkait pa? :(

Malungkot lang, kasi ilang pagkakataon na yung ganito. Tama nga naman ang sigaw ng mga kaklase ko, nagbabayad kami ng 3k na lab fee, tapos mauuwi kami sa pagdadala ng laptop every Friday para lang makagawa? Parang, hindi ata maganda yung parteng yun. Medyo, aminin na natin, nakakainis. Anu pa’t nag laboratory. Kaya nga nag-lab eh, di ba, para dun na mismo gagawa. :|

Isa pang concern, hanggang 8:30pm yung class namin. Napaka-risky magdala ng gadget, at iuuwi mo pa sa Cavite o kahit minsan dyan lang sa Manila. Hindi mo rin masasabi.

Inuulit ko, hindi ko sinisiraan ang sinuman. Wala naman akong nabanggit na pangalan. Nananawagan lang. Karapatan din naman namin ito, bilang mga estudyante. Sa pangyayaring hindi lang isang beses nangyari, sa tingin ko, hindi naman ipagkakait sa amin ang makaramdam ng inis. Tao din kami, at minsang naniniwala na may mga bagay na naidaraan sa paliwanag, at mayroon din na hindi lang paliwanag ang kailangan.